| has gloss | tgl: Ang salot, peste, o plaga ay alin mang sakit o karamdaman na nagsasanhi ng kamatayan sa mga tao. Maaari rin itong anumang bagay na nagdurulot ng maraming paghihirap o kawalan. Sa larangan ng pananampalataya, itinuturing ito bilang isang "kalamidad na inaakalang dulot ng galit ng kalangitan" o ng Diyos. Halimbawa nito ang pagkakaroon ng pananalakay ng napakaraming mapaminsalang mga kulisap, katulad ng tipaklong. Kasingkahulugan ito ng epidemya at ng pagdurulot ng masamang kalagayan sa isang nilalang, katulad ng tao, halaman o hayop. Naging kaugnay din ito, sa madiwang paraan, ng anumang bagay na pang-asar o pambuwisit, panghaharas, pagpaparusa, at pagpapahirap. |