| has gloss | tgl: Ang sebrang bisiro o zony (soni), kung tawagin sa Ingles, ay isang anak ng isang lalaking sebra at isang babaeng bisiro (Ingles: pony). Mas ninanais ang mga hindi gaanong kalakihang mga bisiro upang makapaglalang ng mga masasakyang mga sebrang bisiro o "soni", subalit may mga sebrang naiparis na sa mga mas maliliit pang mga lahi ng mga bisiro katulad ng Shetland na nagkaroon ng mga kinalabasang tinatawag na mga "Zetland". Isa itong sebroyd o sebroid (mula sa Ingles na zebroid): isang salitang tumutukoy sa anumang haybrid o mestisong kabayong may ninunong sebra. Nilarawan ito sa babasahing Guardian Unlimited bilang "maaaring isa itong zorse (sebrang kabayo) marahil, isang fony o maaring isang shebra o isang zetland. Anuman ang pangalan nito, ang pagdating ng pambihirang hayop ay itinuring na isang biyayang padala ng... |